hindi na dapat naipanganak, pero nagpumilit pa ring mailabas. dadalawang beses ng pinauwi ng Maykapal, pero nagpupumilit pa ring maglakwatsa muna sa mundong ibabaw. natural ang pagiging lider niya, preschool pa lamang siya ay promotor na siya at organisador ng unyon na naglalayong patalsikin ang guro na imbes magturo ay nagtitinda sa silid aralan. isang dekada ang itinapon niya para maglingkod. sampung taon upang magkumahog kahit pagapang pa, na makapaglikha ng mga positibong pagbabago sa lipunan. pinatanda na siya ng maraming karanasan, kahit na nanatiling bata at inosente (kuno) ang kanyang mukha. bagaman pagod na. hindi pa rin siya titigil sa paglilingkod. bagkus ang pagkilos niya'y nanganak na at patuloy na nanganganak ng mga bagong kabataang lingkod.
makabayan. makatao. makaDiyos. yan ang gasolinang nagpapaandar sa kanya... at yan din ang gasolinang magsisindi sa bagong apoy sa puso niya...
apoy na tutupok... sa bulok na sistema!